Tuesday, May 7, 2024

Metro Manila tinaguriang ‘Most Congested City’ in Asia

- Advertisement -

Ang Metro Manila ang itinuturing na ‘Most Congested City’ sa developing Asia.

Ayon ito sa pag aaral ng Asian Development Bank (ADB) kung saan sinukat ang Citywide Congestion ng 278 lungsod.

Lumalabas na ang average citywide congestion ay 1.24 na nagsasabing nasa 24% na karagdagang oras ang kailangan para sa pag biyahe tuwing ‘peak hours’ kumpara sa ‘off peak hours’.

Sinabi ng ADB na ang Metro Manila ay mayruong relative congestion na 1.5, pinakamataas sa 24 na lungsod na may mahigit 5-M populasyon.

Nangangahulugan itong ang pag biyahe sa Metro Manila ay kumakain ng mas mahabang oras kumpara sa ibang lugnsod sa Asya.

Nahigitan ng Metro Manila ang mga kabisera ng kapit bahay na bansa tulad ng Kuala Lumpur,Malaysia; Yangon, Myanmar; Hanoi at Ho Chi Minh sa Vietnam; at Bangkok, Thailand, na pawang nasa pagitan ng 1.2 hanggang 1.4 relative congestion indices.

Ang indices ay natukoy sa pamamagitan ng nighttime lights mula sa satellite images ng National Oceanic and Atmospheric Administration, grid population data mula sa Landscan Datasets of Oak Ridge National Aboratory at trip routes mula sa Google Maps.

Binigyang diin ng ADB na ang population growth ay nakakapekto sa bilis ng biyahe sa isang lungsod at kinakailangan ang spatial expansion para makasabay sa pressure.

Iminungkahi ni ADB Director for Macroeconomics Economic Research and Regional Cooperation Abdul Abiad, na para masolusyunan ang congestion sa Metro Manila, kailangang makabuo ng mas maraming public transport systems.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img