34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Metro Manila nananatiling episentro ng COVID-19 sa bansa

- Advertisement -

Nananatili paring episentro ng pinakatinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa ang Metro Manila.

Ayon kay Chief Implementer of the Governments National Policy Against COVID-19 Carlito Galvez, pinakamalaking naitalang kaso ng COVID-19 positive ay mula sa National Capital Region (NCR) kung saan pumalo na sa 1,511 ang kumpirmadong kaso.

Pumangalawa naman ang katimugang bahagi ng Metro Manila o CALABARZON na nakapagtala ng 178.

Sinundan naman ito sa Central Luzon ng 65, Davao Region na nakapagtala ng 61 at Central Visayas na may 36 na kaso.

Tinagurian namang pinakamaraming naitalang pagkasawi dahil sa COVID-19 ang lungsod ng Maynila at Quezon City.

Sa ngayon umakyat na sa 2,633 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas, at 107 dito ang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -