Isang hospital sa Quezon City tatanggap na ng mga pasyente na may COVID-19

0
21

Tatanggap na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients ang isang pribadong ospital sa Quezon City simula sa Lunes, April 6.

Ayon sa pamunuan ng Fe Del Mundo Medical Center, mayroon na silang 30 bed initial capacity at balak pa nila itong dagdagan.

Sa ngayon nasa 174 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City habang 27 na ang nasawi.

Bukod sa mga naturang nasawi sinisilip narin ng Quezon City Health Department ang mga death’s under investigation o mga persons under investigations (PUI) na hindi nila naabutan ang kanilang resulta sa COVID-19 test.

Simula March 23 nasa 40 na ang naitalang death under investigation sa lungsod na batay sa kanilang mga death certificates 7 sa naturang bilang ang positibo sa COVID-19 ngunit hindi pa kasama sa kabuuang talaan.

4 ang wala pang resulta ng COVID-19 test, 19 ang possible COVID-19 habang 14 ang itinuturing na underlying conditions.