31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Special purpose funds sa Bayanihan Act wala sa report na isinumite ni Pangulong Duterte — Pangilinan

- Advertisement -

Humihingi ng paglilinaw si Senator Kiko Pangilinan kaugnay sa hindi pagsama sa special purpose funds sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinadala sa SENADO kaugnay sa implementasyon ng Bayanihan To Heal As One Act.

Ayon sa Senador, ang special purpose funds na tinatayang nasa P372.7-B ay wala sa report ng Pangulo.

Ibig sabihin aniya ay hindi pa ito nagagalaw.

Dagdag na katanungan ni Pangilinan kung saan gagamitin ang naturang salapi at kung kailan magsusumite ang Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang budgetary requirement.

Lumalabas aniya sa isinumiteng report ng Pangulo na ang ginagamit paring pondo para sa mga programa laban sa COVID-19 ay mula pa sa kasalukuyang pondo ng pamahalaan sa ilalim ng General Appropriations Act.

Samantala, iginiit ni Pangilinan na dapat mas maging transparent ang gobyerno sa paggamit ng mga pondo dahil pera aniya ito ng taumbayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -