Duque tiniyak na maayos na ang kalagayan

0
18

Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na siya nasa maayos na kalagayan ngayong naka sailalim ang kalihim sa home quarantine at habang naghihintay ng resulta sa COVID test.

Sa isang panayam kay Duque, sinabi nito na tuloy pa rin ang kaniyang trabaho habang naka quarantine.

Binabantayan lang niya umano ang kaniyang asthma at hypertension dahil ito aniya ay mga pre-disposing factors.

Sa ngayon umano ay wala naman siyang nararamdamang iba pang sintomas o sakit.

Isinailalim sa quarantine si Duque matapos umanong makasalamuha ang isang opisyal ng DOH na nagpositibo sa COVID-19.