30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Meralco magtataas ng singil ngayong buwan

- Advertisement -

Magtataas ng singil sa kuryente ang Meralco para sa nakonsumo nitong Disyembre.

Ayon sa Meralco, nasa siyam na sentimo kada kilowatt hour ang magiging dagdag sa kanilang singil sa kuryente.

Katumbas ito ng 18 pesos sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa kada buwan.

27 pesos sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour, 36 pesos sa kada 400 kilowatt hour at 45 pesos sa kada 500 kilowatt hour kada buwan.

Paliwanag ng Meralco, ang dagdag singil ay bunsod ng pagtataas sa presyo sa kuryente mula sa independent power producers at mga kakontratang planta ng Meralco sa kabila naman ng pagbaba ng presyo ng kuryente sa spot market.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -