Saturday, May 4, 2024

Aplikasyon at nominasyon para sa Assoc Justice post na binakante ni CJ Bersamin binuksan na ng JBC

- Advertisement -

Binuksan na ng JBC o Judicial and Bar Council ang aplikasyon at nominasyon para sa associate justice ng Korte Suprema na binakante naman ni Chief Justice Lucas Bersamin.

Ayon sa JBC, tatanggap na sila ng aplikasyon o nominasyon para sa Supreme Court simula ngayong araw hanggang Enero 22 ng susunod na taon.

Sa kasalukuyan, kulang ng isang mahistrado ang Korte Suprema para makumpleto ang 15 miyembro nito kabilang ang chief justice.

Magugunitang, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bersamin bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema noong nakaraang buwan kapalit ng nagretirong si dating chief justice Teresita Leonardo De Castro.

(with report from Bert Mozo)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img