Saturday, May 4, 2024

Janet Lim Napoles naghain ng apela sa Sandiganbayan

- Advertisement -

Naghain ng apela si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan para hilingin ang pananatili niya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ito ay matapos na mahatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Sa isinumiteng motion for reconsideration ni Napoles, inihirit nitong manatili siya sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa habang naka-apela pa ang kanyang kaso.

Idinahilan din ni Napoles ang umano’y banta sa kanyang buhay at seguridad sa Correctional Institute for Women.

Aniya, naranasan niya ito nang nakulong siya sa nabanggit na pasilidad noong 2015 matapos namang mahatulang guilty sa kasong illegal detention na isinampa ng kanyang pinsan at whistle blower na si Benhur Luy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img