Nais umanong palitan ng menor de edad na saksi sa madugong Sagay 9 massacre ang kaniyang naunang testimoniya.
Ito ang inihayag ni Atty. Josa Deinla ng NUPL o National Union of People’s Lawyers kung saan, minanipula umano ng militar at pulisya ang salaysay ng menor de edad na saksi para ibunton ang sisi sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Deinla, nagalit umano ang batang saksi sa kaniyang mga kasama na gumawa ng kaniyang affidavit dahil hindi aniya iyon tama.
Magugunitang lumabas sa unang salaysay ng batang saksi na nakilala nito ang mga pumatay sa Sagay 9 sa Negros Occidental.
Subalit binigyang diin ng naturang saksi na madilim ang paligid noong mga panahong nangyari ang krimen kaya’t wala siyang nakilala sa mga nasa likod nito.