Joblessness rate tumaas sa 3rd quarter ng 2018—SWS

0
59

Tumaas ng mahigit isang milyon ang bilang ng mga nawalan ng trabaho nitong ikatlong bahagi ng taon.

Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 22 percent o katumbas ng 9.8 million ng mga adult Filipino ang nawalan ng trabaho noong Setyembre.

Mas mataas ito sa 19.7 percent o katumbas ng halos 8.6 million ng mga adult na resulta ng survey ng SWS noong Hunyo.

Pinakamarami ang nawalan ng trabaho sa Metro Manila, sinundan ng balance Luzon, Mindanao at Visayas.

Ayon sa SWS, kabilang sa mga tinukoy na adult joblessness ang mga boluntaryong umalis sa trabaho, nawalan ng trabaho at mga first time jobseekers o unang beses pa lang naghahanap ng trabaho.

Lumabas din sa kaparehong survey na tumaas ng isang puntos ang bilang ng mga Pilipinong pessimistic o negatibo ang pananaw na mas maraming trabaho ang maaari nilang pasukan mula sa 15 percent noong Hunyo sa 16 percent nitong Setyembre.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 15 hanggang 23 sa 1,500 mga Pilipinong may edad labingwalo (18) pataas.

—-