Medical leave ni PhilHealth President Morales tuloy sa gitna ng patuloy na pagdinig sa umano’y isyung katiwalian sa PhilHealth

0
19

Tuloy na sa susunod na linggo ang medical leave ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Sa gitna na rin ito ng mga korapsyong bumabalot sa PhilHealth.

Ang nasabing leave ay ipinayo ng kaniyang doktor kay Morales na sumasailalim sa chemotherapy dahil sa lymphoma.

Subalit binigyang diin ni Morales na sundalo siya na pilit tinatapos ang misyon kaya’t sinuway niya ang dati pang payo ng kaniyang doktor na mag-medical leave siya at pinagbigyan na rin aniya niya ang kahilingan ng kaniyang pamilya na magbakasyon muna.

Kasabay nito ipinabatid ni Morales na naghahanap siya ng pagkakataon para makapag-heart to heart talk sila ng Pangulong Rodrigo Duterte.