Friday, May 3, 2024

Medical consultation result ni Duterte siya mismo ang maglalabas — Panelo

- Advertisement -

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang maglalabas ng resulta ng kaniyang medical consultation.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matapos mapa-aga ang uwi ng pangulo mula sa biyahe nito sa Japan dahil sa iniinda nitong pananakit ng kaniyang gulugod.

Paliwanag ni Panelo, nakatakdang magpasuri ang pangulo sa isang neurologist ngayong araw dahil sa posibleng epekto ng pag-semplang nito sa motorsiklo.

Aniya, layunin lamang ng medical consultation na matukoy ang kondisyon ng katawan ng pangulo at matiyak na nasa maayos itong kalagayan.

Kaugnay nito, nanindigan din si Panelo na walang dapat na ikabahala ang publiko sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Matatandaang noong Huwebes, Oktubre 17, ay naaksidente sa kaniyang motorsiko ang pangulong duterte at nagtamo ito ng galos sa ilang bahagi ng katawan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img