33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Taal Volcano patuloy na nakapagtatala ng volcanic earthquake

- Advertisement -

Umabot na sa 52 ang naitalang volcanic earthquake sa Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras.

Batay sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, naitala kaninang 7:50 a.m. ang Intensity I sa bahagi ng Pira-piraso sa naturang lugar.

Ayon pa sa PHIVOLCS, nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal Volcano.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na nanatiling ‘off-limits’ ang main crater ng bulkan dahil sa posibleng biglaang steam explosions.

Habang ang hilagang bahagi naman ng main crater rim sa bisinidad ng Daang Kastila Trail ay delikado rin dahil sa steam emission.

Sa ngayon, itinuturing ng ‘permanent danger zone’ ang buong Volcano Island at hindi na pinapayagan ang paglapit ng publiko dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -