Monday, May 13, 2024

Mayorya ng SC justices bumoto pabor kay CA Justice Barrios bilang susunod na associate justice

- Advertisement -

Mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang bumoto pabor kay Court of Appeals (CA) Justice Manuel Barrios bilang kanilang napipisil na kapalit sa binakanteng posisyon ni retired Chief Justice Teresita Leonardo De Castro bago maitalagang punong mahistrado.

Batay sa impormasyon mula sa Korte Suprema, sa isinagawang panloob na botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema nakakuha si Barrios ng labing dalawang boto.

Sinundan ito ng mga kapwa CA justices na sina Rosmari Carandang na may 11 na boto, Japar Dimaampao, 10 na boto, Ramon Garcia na may siyam na boto, Edgardo Delos Santos walong boto, Apolinario Bruselas pitong boto at Amy Lazaro Javier, anim na boto.

Ang pitong nabanggit na mga mahistrado ng CA ay una nang napasama sa shortlist ng Judicial And Bar Council (JBC) para sa binakanteng posisyon ni Ombudsman Samuel Martires na nakuha naman ni ngayo’y Supreme Court (SC) Associate Justice (AJ) Ramon Hernando.

Bagama’t wala direktang epekto sa pagpili ng susunod na associate justice ng Korte Suprema ang nasabing botohan, maaari pa ring mahimok ng resulat nito ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC).

Mamayang alas diyes ng umaga nakatakdang magpulong ang JBC para talakayin ang shortlist ng mga nominado para sa Supreme Court associate justice na ipadadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -