Saturday, May 18, 2024

DPWH pormal nang binuksan ang Laguna Lake Highway

- Advertisement -

Nakatitiyak ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na mababawasan na ang pagsisikip sa EDSA at C5 kasunod ng pormal na pagbubukas ng Laguna Lake Highway lalo na ngayong kapaskuhan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, hindi nakakailanganin pang makipagsiksikan ng mga motoristang magmumula sa Rizal patungong SLEX at pabalik.

Nagkakahalaga ng P1.28 billion ang 10 kilometrong Laguna Lake Highway at bahagi ng mga proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Villar na plano na rin nilang buksan sa publiko ang harbour link bago ang inaasahang carmageddon dahil sa holiday season.

Ang harbor link ang nagdudugtong sa harbor arbor area sa Maynila patungong NLEX.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -