Hindi pagsipot ni Duterte sa ilang mahahalagang pulong sa ASEAN hindi nakakasama sa PH — Locsin

0
51

Hindi makakasama sa Pilipinas ang hindi pagsipot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mahahalagang pulong sa ASEAN Summit sa Singapore.

Ito ang iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr., matapos na mabatikos ang pangulo dahil sa hindi niya pagdalo sa pulong ng ASEAN sa Australia at South Korea, working lunch kasama ang ASEAN country host na Singapore at maging sa gala dinner.

Ayon kay Locsin, meron din aniya siyang nakitang ilang world leaders na umalis agad kahit hindi pa tapos ang pagpupulong at wala naman aniyang naging masamang epekto ito.

Binigyang diin pa ng kalihim na nagawa na ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kailangang gawin sa ASEAN Summit kahiit hindi ito dumalo sa ilang event.

Kadalasan aniyang pre-discussed o natalakay na ng mga world leaders at minister ang ilang usapin bago pa man ang nakatakdang pulong.

Una rito, idenepensa na rin ni Pangulong Duterte ang hindi niya pagdalo sa ilang pagpupulong sa ASEAN summit at iginiit na walang masama sa pag-power nap.


 Pangulo ikinumpara kay Malaysian Prime Minister Mohamad

Ikinukumpara ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kay Malayasian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Ito ay matapos na mabatikos ang pangulo dahil sa hindi niya pagdalo sa ilang mahahalagang pagpupulong sa ASEAN Summit para mag-power nap o bumawi ng tulog.

Habang nakatatanggap naman ng papuri si Mahathir dahil sa edad na 93 at kasalukuyang pinakamatandang world leader ay hindi ito nagmintis kahit sa isang pagpupulong sa ASEAN Summit

Ayon kay Mahathir, bahagi ng kanyang tungkulin ang dumalo sa mga pagpupulong at posible lamang aniya siyang lumiban kung masama ang kanyang pakiramdam.

Una rito, ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang kinalaman sa kalusugan ang hindi nito pagsipot sa apat na mahahalagang pulong sa ASEAN Summit.