Friday, May 17, 2024

Mayorya ng mga Pilipino suportado ang mga kandidatong walang bahid ng katiwalian – SWS

- Advertisement -

Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagsasabing mas pipilliin nilang iboto sa darating na eleksyon ang mga senatoriables na walang bahid ng kurapsyon.

Kasunod ito ng naging resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations noong December 16 hanggang 19 ng nakalipas na taon.

Ayon sa SWS, 1,440 adults ang kanilang tinanong at 25 percent dito ang nagsabing gusto nilang mahalal ang mga kandidatong hindi magnanakaw.

Habang 22 percent naman ang nagnanais na maluklok sa pwesto ang mga senatorial candidates na may tunay na malasakit sa mahihirap.

Samantalang nasa 21 percent naman ang mga nagsasabing mas mahalaga sa kanila ang mga kandidatong mapagkakatiwalaan at may “good personal characteristics” na tulad ng pagiging mabait, mapagbigay, patas at responsible.

Matatandaang kamakailan lamang naging kontrobersyal kamakailan ang statement ni Davao City Mayor Sara Duterte, matapos nitong sabihin na hindi isyu ang katapatan sa pagpili ng mga kandidatong iboboto sa  nalalapit na eleksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -