Thursday, May 2, 2024

Decommissioning para sa 12,000 na MILF troopers pinaghahandaan na — Galvez

- Advertisement -

Manunumpa na sa susunod na linggo ang mga opisyal ng transition commission para sa binuong bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito’y ayon kay presidential peace adviser sec. carlito galvez kaya’t puspusan na ang kanilang paghahanda para rito.

Aniya, malaking paghahanda ang kinakailangan lalo’t tinatayang 12,000 mga combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sasailalim sa decommissioning o pagbababa ng armas.

Giit ni Galvez, kailangan aniyang matiyak na magiging maayos ang gagawing decommissioning sa mga MILF troopers lalo’t maraming grupo ang tutol sa BARMM.

Magugunitang umalma ang ilang paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamumuno ng founding chairman nito na si Nur Misuari dahil sa tila dehado sila sa bilang ng mga naka-posisyon sa binuong transition commission.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img