Kaliwa dam project posibleng magresulta sa paglikas ng 5,000 katutubo

0
44

Naniniwala ang party list group na Bayan Muna na magreresulta lamang sa paglikas ng nasa 5,000 indigenous people ang napipintong pagtatayo ng bagong centennial water source Kaliwa Dam sa Quezon Province na popondohan ng China.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, simula pa noong 1984, mariin nang tinututulan ng mga indigenous people tulad ng remontado at dumagat ang konstruksyon ng Kaliwa-Kanan dam projects.

Sinabi naman ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na hindi sang-ayon sa proyektong ito ang mga ip dahil sa palulubugin nito sa tubig ang nasa siyam na baryo sa Rizal at Quezon Provinces na may lawak na 28,000 hectares.

Target ng mahigit P18 billion Kaliwa dam project na makalikha ng bagong mapagkukunan ng tubig upang masolusyunan ang tumataas na demand ng water supply sa National Capital Region (NCR).

—-