Mayor Vico pinayuhan ang isang kumpanya na itigil na ang kaso laban sa mga empleyado

0
13

Hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kumpanya na pag isipan mabuti kung itutuloy ang kasong isasampa laban sa 23 empleyado na kanilang ipinahuli noong Nobyembre 9.

Sa Facebook page ng Alkalde, tinawag niya ang atensyon ng pamunuan ng Regent Foods Corporation at sinabing pag isipan ang mga gagawing hakbang kung gusto pa nitong magkaroon ng magandang kinalalagyan sa syudad.

12 sa mga nakulong ang nakapagpiyansa na habang 11 dito ang nakakulong pa na personal namang kinausap ni Sotto.

Dagdag pa ng alkalde, sisiguraduhin niya na lalabas ng kulungan ang mga empleyado bukas, Nobyembre 18, Lunes.

Iginiit naman ng alkalde na hindi hangarin ng mga naturang empleyado na saktan o guluhin ang kumpanya bagkus ay ipinaglalaban lamang nila ang alam nilang tama.