4 na lalaking iligal na magtratrabaho sa ibang bansa naharang sa NAIA

0
17

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigiration (BI) ang 4 na kalalakihang ilegal na magtatrabaho sa ibang bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, 4 na kalalakihang may hawak na tourist visa ang nagtangkang lumabas ng bansa patungo sa Abu Dhabi.

Aniya, hindi valid ang ipinakita nitong return ticket at dito nakumpirma na tutungo ang mga ito sa Libya para magtrabaho.

Dahil sa insidente ay inatasan na ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga immigration officer sa paliparan na mas maging strikto.