Sunday, May 5, 2024

Kidapawan City Mayor Evangelista nagbigay na ng ultimatum

- Advertisement -

Nagbigay na ng ultimatum si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa pag-giba ng mga nasirang pasilidad dahil sa pagtama ng lindol ng nakaraang buwan.

Ayon sa Alkalde, gumawa na siya ng task force para sa demolisyon ng mga nasirang gusali partikular na ang isang hotel na nasa tabi ng ospital at fast food chain.

Binubuo ng Office of the Building Official, City Engineering Office, ilang miyembro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Structural Engineers Association of the Philippines.

Dagdag pa ng Alkalde, hahayaan na niya ang task force sa pag-giba ng hotel ngunit iginiit na dapat ay agaran na itong maaksyunan.

Magugunitang sunod-sunod na pagyanig ang tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong nakaraang buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img