Mayor Sotto tiniyak na tatalima sila sa anumang direktiba ng pamahalaan

0
14

Nanindigan si Pasig City Mayor Vico Sotto na tatalima ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa anumang direktiba ng pamahalaan.

Ito ang naging pagtitiyak ni Sotto matapos niyang umapela sa pamahalaan na huwag isali ang mga tricycle sa umiiral na public transportation ban upang may magamit ang mga manggagawa sa lungsod.

Kaugnay nito, sinabi ni Sotto na handa namang sumunod ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig sa anumang direktiba ng pamahalaan.

Kasabay nito, sinabi naman ni Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles na hindi kasi mapaiiral ang social distancing sa loob ng tricycle gayong napakahalaga ng isang metrong layo sa isa’t-isa upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).