DOH pinag-aaralan na ang pagtatakda ng pasilidad para sa mga COVID-19 patients

0
24

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang pagtatalaga ng dalawang pasilidad na mangangasiwa sa mga pasyenteng apektado ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na isinasapinal na lamang ng DOH ang pagtatakda ng pasilidad para sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ng kalihim, ito ang 140-bed facility sa Philippine General Hospital at ang 120-bed sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan.

Sa ngayon tiniyak naman ni Duque na mahigpit at patuloy na pinag-aaralan ng DOH ang mas pinaigting na health protocols para sa mga COVID-19 patients.