Sunday, May 5, 2024

Mayor Margie Aguinillo Nagpatawag Ng Emergency Meeting Sa Myembro Ng IMT Kaugnay Sa Pagtaas Ng Kaso Ng COVID-19 Sa Bayan Ng Buhi

- Advertisement -

Nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Margie Moran-Aguinillo sa mga miyembro ng Incident Management Team (IMT) ngayong araw para mas paigtingin ang pagtugon sa iba’t-ibang hamon ng COVID-19 sa bayan ng Buhi. Kahapon, umabot na sa 89 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit ang naitala sa bayan ng Buhi.

Nais ni Mayor Aguinillo na mas mapaayos ang pagtugon ng LGU Buhi sa iba’t ibang aspeto ng operasyon laban sa COVID-19.

Pinangunahan ni Venerando A. Claveria, Incident Commander, ang pagpupulong at binigyang tuon ang papel at responsibilidad ng bawat miyembro ng IMT. Nagbigay naman ng mga komento at suhestiyon si Dr. Breandovin Saez, Municipal Health Officer, tungkol sa kanyang mga obserbasyon at kung paano mas mapaayos ang pagresponde ng IMT at LGU Buhi.

Kasama sa mga nabanggit ni Dr. Saez kung sino ang dapat maging responsable sa koordinasyon ng mga returning residents at OFW, na kung saan ay panghahawakan ng MDRRMO at hindi na ipadaan pa sa Municipal Health Unit. May mga iba pang tinalakay katulad ng kung sino ang mga tao na pwedeng ilagay bilang suporta sa operasyon. Ang iba pang isyu katulad ng vaccination, supplies, pag-dispatch ng mga ambulansya, paghatid sa mga pasyente at iba pa ay pinag-usapan at pinagplanuhan din sa pagpupulong.

Ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni Carmelita Marquez ay siya paring mangunguna sa koordinasyon sa iba pang mga aspeto ng operasyon laban COVID-19.

Samantala, ang Task Force Disiplina ay patuloy parin ang operasyon at mas pag-iigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols sa Buhi. Paiigtingin din ang pagbabantay sa mga taong lumalabag sa quarantine protocols.

(News & photo courtesy of LGU Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img