31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mayor Madel Alfelor ng Iriga, sasampahan ng kaukulang kaso an mga tauhan ng Sagip-Kalikasan ng Camarines Sur

- Advertisement -

Iriga City—hinde papalampasin ni Mayor Madel Yorobe Alfelor an ginawang harassment ng Sagip Kalikasan Task Force ng Camarines Sur sa ilang mga empliyado ng General Services Office (GSO) at sapilitang pagpasok sa Sanitary Landfill at pagkumpiska sa tatlong ekipahe ng lungsod.

Ito ang sinabi ng punong lungsod matapos na isagawa ang virtual press conference kahapon at ipakita ang kaukulang mga dokumento sa operasyon ng sanitary landfill, laban sa naunang pahayag ng Sagip Kalikasan na illegal di-umano ang operasyon at nagkakaroon pa ng quarrying sa lugar.

Ayon kay Alfelor, malinaw ang pang-aabuso ng task force ng kanilang sirain ng pintuan at sapilitang dalhin ang mga sasakyan ng walang pahintulot mula sa GSO.

Una rito nagpalabas na ng pahayag si Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur na legal ang ginawa ng task force dahil sa pagbabawal sa lalawigan ng quarrying, lalo pat ang sinasabing sanitary landfill ay malapit sa ilog na pinagbabawal sa RA 9003.

Inakusahan din ng mayor ang task force ng pamomolitika, dahil na rin sa napabalita na pagtakbo ni Villafuerte bilang Mayor O Kongresista sa ika limang distrito ng Camarines Sur na nakakasakop sa Lungsod ng Iriga.

 

Source: LGU Iriga

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -