Mayor Benjamin Magalong inaprubahan na ang kasunduan para palakasin ang telecommunikasyon ng lungsod ng Baguio

0
10
(Photo courtesy of PIO Baguio)

Binigyan na ng kapangyarihan ng lokal na konseho si Mayor Benjamin Magalong na kumatawan para sa Lokal na Pamahalan ng Lungsod ng Baguio at pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng Baguio at ng Phil-Tower Consortium, Inc. (PhilTower) upang gawing maganda ang kalidad ng telekommunikasyon sa Baguio.

Sinabi ng Ama ng lungsod na mahalagang mapalakas pa ang pakikipag-ugnayan at mas mapaganda pa ang kalidad ng telekommunikasyon gayun din ang pagtatayo ng kinakailangang imprastraktura upang makaambag sa pagkakonekta at pag-unlad ekonomiko sa mamamayan ng Baguio.

Ang PhilTower ay isang Independent Tower Company (ITC) na nakarehistro sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at kinakatawan niya bilang isang kompanya na nagbibigay ng imprastrakturang pangkommunikasyon at kahintulad na serbisyo nito.

Samantala, inaasahan ng lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan nito sa naturang kompanya na mas lalong mapapalawak pa ang imprastrukturang pangteknolohiya sa lungsod at makaka agapay na rin ang Baguio sa mga kalapit na lungsod at makikinabang din ang mamamayan sa pamamagitan nito. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply