Maynilad ‘di na magpapatupad ng water service interruptions

0
25

Hindi na magpapatupad pa ng water service interruptions ang Maynilad Water Services.

Ito ay matapos na dagdagan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig na ibinigay sa mga water concessionaires kung saan itinaas ito mula sa dating 42 cubic meters/second sa 46 cubic meters/second.

Dahil dito, tiniyak ng Maynilad ang kanilang ipinatutupad na daily water service interruption.

Gayunman, hindi namang tinukoy ng Maynilad kung kailan nila ihihinto ang mga naturang water service interruption ngunit mararamdaman na aniya ng publiko ang epekto ng mas mataas na alokasyon ng tubig na ibinigay ng NWRB simula bukas, ika-15 ng Marso.