Marikina ‘di pa magpapatupad ng city-wide quarantine —mayor

0
43

Hindi pa muna magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Marikina ng city-wide quarantine.

Ito ay sa kabila ng naitalang limang positibong kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, hindi naman kasi kalat-kalat ang kaso ng COVID-19 sa Marikina, dahil nabatid na residente lamang ng iisang tahanan.

Giit pa ng alkalde, dahil maagang natukoy ng mga otoridad ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ay agad naman nila itong na-quarantine.

Sa ngayon, nanindigan naman si Teodoro na ipatutupad nila ang mas agresibong mga hakbang upang hindi na lumaganap pa ang virus sa lungsod.