Friday, May 17, 2024

39 doktor, staff ng PH Heart Center naka-quarantine

- Advertisement -

Naka-quarantine na ang 39 na doktor at ilan pang medical staff mula sa Philippine Heart Center (PHC) matapos na direktang ma-expose sa isang pasyenteng nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Joel Abanilla, medical director ng PHC, minabuti nilang i-isolate, at ideklarang persons under investigation (PUIs) ang lahat ng nakasalamuha ng nasabing pasyente magmula sa mga nurses, hanggang sa mga technician na umasiste rito.

Sinabi ni Abanilla, ang hakbang na ito ay upang mapangalagaan at matiyak na nasa maayos na kundisyon ang mga health workers na pangunahing humaharap sa paglaban sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -