Saturday, May 18, 2024

Matinding military strike laban sa Abu Sayyaf nagpapatuloy

- Advertisement -

Patuloy ang ginagawang ground assault ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kagubatan ng Sulu para pulbusin ang Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Western Mindanao Command Col. Berry Besana, naka-engkwentro ng grupo ng mga CAFGU ang hindi bababa sa dalawampung (20) ASG members na mula sa Ajang-Ajang faction na pinamumunuan ng isang alyas Macrin sa Barangay Latih, Patikul.

Wala pang ulat sa bilang ng casualty mula sa dalawang panig ngunit sinabi ng ground troops na nakakakita na sila ng mga senyales na mayroong napatay sa panig ng Abu Sayyaf.

Kasama aniya ang naturang grupo sa mga nagsisimula nang tumakas kasunod na rin ng airstrike at military operations sa naturang lugar.

Samantala, nadagdagan pa ang mga residenteng inilikas dahil sa inilunsad na matinding military strike laban sa Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu,

Ayon kay ARMM Information Officer Myrna Jo Henry, nasa tatlong daan at limampung (350) mga pamilya mula sa dalawang barangay sa Patikul ang inilikas upang hindi maipit sa pag-atake.

Matatandaang naglunsad ng all-out war si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Abu Sayyaf Group na pinaniniwalang nasa likod ng madugong pag-atake sa Jolo cathedral noong Linggo.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -