Kampanaya vs. loose firearms at gun for hire groups pinatutukan ni Albayalde

0
52

Pinaiigting ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde ang kampanya laban sa loose firearms at gun for hire groups ngayong papalapit na halalan.

Binigyang diin ni Albayalde sa pagbisita nya sa PNP-Region 2 na maging mas agresibo ang mga pulis sa nasabing kampanya upang maiwasan ang mga karahasan kaugnay sa papalapit na eleksyon.

Kailangan aniyang higit na mabantayan ang mga election hotspots.

Pinangunahan naman ni Albayalde ang inagurasyon sa bagong gusali, adoration chapel at grandstand ng Philippine Regional Office – 2 (PRO-2) sa lungsod kasabay ng pag-turnover nito sa iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng baril sa pamunuan ng PRO-2.

(written by: Kimberlie Montano)