Saturday, May 4, 2024

Mataas na singil sa kuryente at tubig pinasisilip ni Duterte

- Advertisement -

Aminado ang Malakaniyang na nababahala na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mataas na singil sa kuryente at tubig ngayong may pandemya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential spokesman Secretary Harry Roque, ito ang dahilan kaya’t pinaiimbestigahan sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang reklamo ng publiko hinggil sa sobrang taas na singil ng mga electric companies tulad ng Meralco.

Una rito, nagpalabas na ng show cause order ang ERC laban sa Meralco dahil sa masyadong mahal na bayarin nito sa kuryente na labis na nagpapabigat sa pasanin ng mga konsyumer nito.

Samantala, tiniyak naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na kanilang poprotektahan ang interes ng publiko hinggil sa pagsipa sa singil naman sa tubig.

Gayunman, sinabi ni MWSS chief Patric Lester Ty na hindi nila maaaring ilibre ang isang buwang billing sa tubig sa kasagsagan ng lockdown bunsod na rin ng kanilang production cost.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img