Mataas na heat index naitala sa 19 lugar sa bansa

0
55

Naitala sa 19 na lugar sa bansa ang mataas na heat index, kahapon.

Batay sa datos ng PAGASA weather bureau, kabilang sa mga lugar na mataas ang heat index ay ang Dagupan City, Pangasinan na may 51.2°C bandang alas-2 ng hapon.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.

Samantala, nakapagtala naman ng 42.2 °C ang nai-record na heat index sa NAIA Pasay City sa Maynila habang 42.6 °C naman ang Science Garden sa Quezon City.