60 flights naapektuhan ng computer glitch ng CAAP

0
48

Nasa 60 flights ang apektado matapos magkaroon ng computer glitch ang air traffic management center ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, mag-iisang oras halos kinailangan ihinto ang operasyon para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Ani Apolonio, delikado kasi ang blind spots para sa mga pilotong lalapag sa mga paliparan.

Bandang 1:00 ng hapon ay balik sa normal na ang operasyon at nagkaroon ng mga recovery flight.