Halos 600 panukalang naisabatas sa 17th congress ipinagmalaki

0
58

Ipinagmalaki ng mababa at mataas na kalupungan ng kongreso ang halos 600 panukala na naisabatas sa ilalim ng 17th congress.

Sa pagtatapos ng sesyon kahapon, magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman sa senado at kamara habang nagpapaalam ang mga graduating congressman.

Sa senado, nagkabiruan pa habang nagka class picture ang mga senador dahil sa ilang nagsabi na huwag maingay dahil magagalit ang principal na pinatutungkulan si Senadora Cynthia Villar.

Nagpaalam na sa senado sina Senador Bam Aquino, JV Ejercito, Chiz Escudero, Loren Legarda, Gringo Honasan at Antonio Trillanes.

Habang 74 na mambabatas naman kabilang si House Speaker Gloria Arroyo ang last termer na sa Kamara.