31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

‘Massive forced quarantine’ posibleng ipatupad sa bansa

- Advertisement -

Posibleng magpatupad ng malawakan at puwersahang quarantine ang pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Peace Adviser at COVID-19 Response Chief Implementor Carlito Galvez kaugnay ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Galvez, tumataas din kasi ang bilang ng persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) dahil sa posibleng COVID-19 infection.

Aniya, lumalabas kasing hindi epektibo ang self o home quarantine partikular na sa mahihirap na komunidad.

Paliwanag nito, layon ng ‘massive forced quarantine’ na agad na matukoy ang mga posibleng carriers ng virus para agad silang maihawalay, ma-contain ang virus at upang mapuksa na ang posibleng pagkalat nito.

Sa ilalim aniya ng massive forced quarantine ibubukod na ang mga PUIs at PUMs sa mga designated quarantine facilities.

Dagdag pa nito, magiging kritikal ang susunod na dalawang linggo bago bawiin, o alisin ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil ito aniya ang magiging basehan kung kailangan pa itong palawigin.

Kabilang sa mga pinag-aaralang gawing quarantine facilities ang PICC, CCP, Ultra, Rizal Coliseum at Philippine Arena.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -