34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

J&J, Moderna Inc. at US gov’t nagsanib-pwersa na para bumuo ng bakuna vs. COVID-19

- Advertisement -

Nagsanib puwersa na ang Johnson & Johnson, Moderna Inc., at ang gobyerno ng Estados Unidos para makabuo ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ngayon, ilang bansa na ang puspusang bumubuo ng anti-COVID-19 vaccine dahil sa patuloy na pagkalat ng virus sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Batay sa mga ulat, inaasahang sa 2021 pa mailalabas ang bakuna laban sa COVID-19 dahil kinakailangan pa nitong isailalim sa mga pagsusuri upang mapatunayang epektibo ito at walang masamang epektong idudulat sa mga tao.

Sa anunsiyong inilabas ng J&J, sinabi nito na nasa $1-bilyon ang halaga ng nilagdaan nilang kasunduan sa U.S. government para mapabilis ang pagbuo ng vaccine.

Inaasahang sa Setyembre ng taong ito umpisahan ng J&J ang kanilang testing ng nasabing bakuna.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -