Saturday, May 4, 2024

11 frontliners sa Marikina isinailalim sa quarantine

- Advertisement -

Nasa 11 frontliners ang isinailalim sa quarantine sa lungsod ng Marikina.

Batay sa ulat ito ay bilang pagtalima sa quarantine protocols dahil itinalaga ang mga nasabing frontliners sa quarantine facility sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, nabatid na nagnegatibo naman na ang mga health workers sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ngunit kinakailangan pa rin ng mga itong sumailalim sa quarantine.

Sinabi ni Teodoro na kasalukuyang naka-quarantine ang mga ito sa isang hotel sa Marikina kung saan binigyan ang mga ito ng kani-kaniyang kwarto at ibinibigay na lamang ang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain, tubig at iba pa.

Tiniyak naman ng alkalde na protektado naman ang mga staffs na naghahatid ng mga pangangailangan ng mga nasabing frontliners.

Kaugnay nito, pinawi naman ni Teodoro ang pangamba ng mga residente sa lungsod dahil hindi naman aniya dapat na katakutan ang mga nasabing frontliners dahil sila ay bayani sa kanilang serbisyong ibinigay para sa bayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img