Saturday, May 18, 2024

Mas maraming pork insertions sa 2019 budget ibinabala ni Lacson

- Advertisement -

Asahan na ang maraming pork sa pambansang budget sa 2019 na taon ng earth pig.

Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson sa gitna ng mga pagbubunyag ng umano’y mga isiningit na pork barrel sa pambansang budget sa susunod na taon.

Si Lacson ang masusing sumusuri at humihimay sa taunang pambansang budget at nagbubunyag sa publiko ng mga nakikita niyang pork barrel.

Una nang sinabi ni Lacson na may dalawang kongresista ang naglaan ng 2 point 4 billion at 1 point 9 billion pesos na budget para sa kanilang mga pet projects.

Bagama’t hindi pinangalanan, tinukoy naman ni Lacson na mapupunta ang nasabing malalaking pork barrel sa Pampanga at Camarines Sur.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -