Martial law sa Mindanao posibleng itigil na

Martial law sa Mindanao posibleng itigil na

by Powered by DWIZ
0 comment 8 views

Posibleng hindi na irekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panibagong extension ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, masyado nang matagal na umiiral ang martial law sa buong Mindanao.

Gayunman, sinabi ni Lorenzana na hinihintay pa nya ang opisyal na rekomendasyon ng armed forces at ng PNP bago sya magdesisyon.

Unang naideklara ang martial law sa Mindanao noong May 23, 2017 dahil sa Marawi Siege at nagkaruon ng extension noong 2018 at ngayong 2019 na magtatapos sa December 31.

0 comment

Related Posts