Seguridad sa 2019 SEA Games kasado na — PNP

Seguridad sa 2019 SEA Games kasado na — PNP

by Powered by DWIZ
0 comment 11 views

Kasado na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa mula November 30 hanggang December  11.

Ayon kay PNP OIC Lt. General Archie Gamboa, nasa 20,000 pulis ang itinalaga nila para mangasiwa sa seguridad ng SEA Games at ng tinatayang 10,000 atleta na kalahok sa aktibidad.

Nakapagtatag na anya sila ng back up system at nasa fine tuning na ang protocol at proseso na kanilang susundin para sa maayos na pagpapatupad ng seguridad.

The PNP contingent will also provide security coverage in the different venues of engagement of the athletes, while other PNP units will provide safety assistance necessary or order maintenance and police services for crowd control, vehicular and pedestrian, traffic direction, route, parking and venue security,” ani Gamboa.

0 comment

Related Posts