31.9 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Dagdag pondo sa DPWH pinanindigan ni Budget Chief Diokno

- Advertisement -

Pinanindigan ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pitumpu’t limang (75) bilyong pisong idinagdag nila sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Diokno, hindi maaaring tawaging insertion ang idinagdag nilang 75 bilyong piso sa budget ng DPWH dahil trabaho nila ang maglaan ng pondo para sa mga ahensya ng pamahalaan.

Nagpasya aniya silang dagdagan ng 75 bilyon ang budget ng DPWH dahil mayroon silang fiscal space at upang maipantay ang budget sa orihinal na kahilingan ng DPWH.

Nagkakaroon lamang aniya ng pork barrel insertions pagdating sa House of Representatives dahil may kapangyarihang magtanggal at magdagdag ng pondo ang mga kongresista.

Kasabay nito ay dumistansya si Diokno sa pag-uugnay sa kanya sa CT Leonco Construction na nakakuha ng bilyon-bilyong pisong proyekto sa pamahalaan.

Kung may kaugnayan man aniya sa may-ari ng CT Leonco Construction ang kanyang balae ay wala siyang kinalaman at wala siyang pakialam dito.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -