Marikina umapela sa DOH na bilisan ang proseso ng assessment sa kanilang laboratoryo

0
21

Umapela sa Deparment of Health (DOH)  ang lokal na pamahalaan ng Marikina na bilisan ang proseso ng assessment sa kanilang molecular biology laboratory.

Ayonk ay Mayor Marcelino Teodoro, handang handa ang laboratoryo para mag operate at kulang na lamang ang go signal ng DOH.

Kumpleto na anya ang mga makina at nabisita na rin anya ito ng world health organization kasama ang mga tiga Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Binigyang diin ni Teodoro na hindi sila dapat itrato ng DOH na normal na aplikante ng license to operate dahil may umiiral na krisis.

Sa pamamagitan ng molecular lab mas mapapabilis na ang testing sa mga pinaghihinalaang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).