LCP naglunsad ng online consultation

0
22

Naglunsad ng online consultation ang Lung Center of the Philippines (LCP) para sa lahat ng katanungan higgil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tinawag na COVID askforce ang proyekto kung saan 200 volunteer doctors ang sasagot sa lahat ng katanungan hinggil sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng COVID askforce, umaasa ang lung center na mababawasan ang mga magtutungo pa sa ospital para lamang sa konsultasyon.

Maaaring kumunsulta sa Facebook page ng COVID askforce, (facebook.com/covidaskforce).

Ang online consultation ay bukas mula lunes hanggang sabado, mula 8:00 a.m. ng umaga hanggang 11:00 a.m. ng umaga at 7:00 p.m. ng gabi hanggang 10:00 p.m. ng gabi.