DOH tiniyak ang suporta sa molecular biology laboratory ng Marikina City

0
26

Tiniyak ng Deparment Of Health (DOH) ang suporta sa molecular biology laboratory ng Marikina City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaantay na lamang nila ang go signal mula sa kanilang assessment team bago payagan ang paggamit sa molecular lab ng Marikina.

Binigyang diin ni Vergeire na hindi kinokontra ng doh ang ganitong klase ng initiative ng local government units dahil malaking tulong ito sa kinakaharap na krisis ngayon na dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, kailangan lamang anya nila ng pag iingat at mailagay sa konteksto at proseso sa paggamit ng laboratoryo.