Marikina testing center magbubukas sa susunod na linggo vs. COVID-19

0
39

Uubra nang magbukas sa susunod na linggo ang Molecular Diagnostic Laboratory ng Marikina City.

Ipinabatid ito ni Health Secretary Francisco Duque III matapos bisitahin ang nasabing bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19). testing facility.

Sinabi ni Duque na ang nasabing pasilidad sa Marikina ay isa sa pinaka magandang laboratoryo na kaniyang nakita.

Tiwala si Duque na magiging modelo ang marikina para sa ibang lgu’s para mapalawig ang testing capacity sa bansa.

Ang nasabing laboratoryo ay gagamitin din ng mga local government ng San Mateo at Antipolo sa Rizal para sa kanilang suspected covid patients.