COVID-19 cases sa bansa pumalo sa 5,878

0
30

Pumapalo na sa halos 6,000 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) sa nakalipas na magdamag ay 218 kaso ng COVID-19 ang nadagdag kayat nasa 5,878 na ang kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

52 pasyente rin ang naka recover na sa sakit kayat nasa 487 na ang total recoveries mula sa COVID-19.

Samantala 25naman ang nasawi sa loob ng 24  oras dahil kayat umabot na sa 387 ang death toll dahil sa COVID-19.