CDO Rep. Rufus Rodriquez sa gobyerno na sagutin ang gastusin ng burial ng mga biktima sa COVID-19

0
26

Nanawagan sa gobyerno si Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na sagutin ang gastusin sa burial at cremation ng mga biktima ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Rodriguez, hindi na dapat pa pinapahirapan sa mga bayarin ang mga kababayang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa coronavirus.

Maaari aniya itong gawin ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng reimbursement scheme.

Mukhanghi pa ng  Solon, ang LGU muna ang dapat sumagot sa gastos ng isang mahirap na nasawi sa virus mula sa ospital patungong funeral parlor o crematorium hanggang sa libingan at saka ito i-re-reimburse ng LGU sa DOH. —Ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)