Marijuana na tanim nadiskubre at binunot sa Kapangan, Benguet

0
0

(Baguio City-Kapangna, Benguet) Aabot sa 70 puno ng ganap na laking marijuana plants ang binunot ng maykapangyarihan sa Kapangan, Benguet noong Novembre 14, 2022. Nagresulta ito ng marijuana eradication na isinagawa ng Kapangan Municipal Police Station at ng Barangay Officials ng Sagubo barangay.

Ayon kay Police Captain Elarde Agustin ang Hepe ng Kapangan Municipal Police Station, nadiskubre nila ang marijuana plants na naitanim sa 120 square meters na lote sa isang communal forest na nasasakupan ng Sitio Pingew, Sagubo, Kapangan.

Sinabi ng Hepe na aabot sa P14,000 ang halaga ng binunot na tanim.

Ang mga ilan sa puno ng Marijuana ay dinala sa Regional Field Unit ng PRO-COR upang sumailalim sa qualitative test. Nagpapatuloy ang mga kapulisan sa pag iimbestiga upang makikilala at mahuli ang nagtanim. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to Kapangan MPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here